in

CHICKEN ALA KING | FILIPINO DISHES | SIMPLE EVERYDAY RECIPES | LUTONG BAHAY | CHICKEN RECIPES

https://www.youtube.com/watch?v=D8WJQZboJbA

CHICKEN ALA KING ???

“MGA SANGKAP”
PARA SA BREADED CHICKEN FILLET:
– Chicken Breast (Filleted)
– 1 Egg (Medium)
– Flour
– Cornstarch
– Bread Crumbs
– Garlic Powder
– 1 Lemon
– Patis
“PARA SA SAUCE”
– 1 All Purpose Cream
– 1 Evaporated Milk (Small)
– Butter
Cheese
– 1 Carrot (Small)
– Parsley
– Garlic
– Onion (White)
– Chicken Stock
– Asin
– Paminta (Pino)

“PARAAN NG PAGLUTO”
Ilagay ang chicken fillet sa isang lalagyan at pigaan ng lemon. Timplahan ng garlic powder, paminta at patis. Lagyan ng flour, cornstarch at itlog. Paghaluin gamit ang kamay. Pagkatapos haluin ay hayaan muna itong mababad ng isang oras. Isa-isang balutan ng bread crumbs ang naibabad na chicken fillet. Sindihan sa katamtamang apoy ang kalan at ipirito ang mga chicken fillet. Maaari ng ahunin ang chicken fillet kapag ito ay golden brown na. Para naman sa sauce, hiwain natin ng maliliit ang sibuyas, bawang at parsley. Balatan at i-grate ang carrot. Igisa ang bawang at sibuyas sa butter na may kaunting mantika. Sunod nating ilagay ang carrots at parsley. Ilagay ang chicken broth, pakuluin hanggang sa lumambot ang carrots. Ibuhos ang kalahating laman ng maliit na evaporated milk… Pakuluin. Ibuhos ang all purpose cream at pakuluing muli hanggang sa ito ay lumapot. Lagyan ng grated cheese, kaunting asin at paminta (depende sa inyong panlasa). Pakuluin ng 2 minuto. Ibuhos ang sauce sa piniritong chicken fillet, budburan ng parsley at ihain!

source

WHOLE CHICKEN CHARGHA By Ammi – Desi Ghee Vali Daal or Rice Recipe

Chicken Fry | Delhi Jama Masjid Style | Famous Recipe Very Tasty and Easy क्रिस्पी चिकन फ्राई रेसिपी